You are visitor number

web counter
click here
Custom Search

Political Correctness?

Kung mayaman ka, meron kang "allergy";
Kung mahirap ka, ang tawag dyan ay "galis" o "bakokang".

Sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa "tension and stress".
Sa mahirap, "sira ang ulo";

Sa mayamang "malikot ang kamay" ang tawag ay "kleptomaniac"
Sa mahirap, ang tawag ay "magnanakaw" o "kawatan"

Pag mayaman ka, you're "eccentric";
Kung mahirap ka, "may toyo ka sa ulo" o "may topak" o "may sayad".

Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may "migraine".
Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay "nalipasan ng gutom";

Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is "scoliotic".
Pero kung mahirap ka, ikaw ay "kuba";

Kung ang senorita mo ay maitim, ang tawag ay "morena" o "kayumanggi".
Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay "ita" o "negrita" o "baluga" o "tsimay"

Kung nasa high society ka, you are called "slender" o balingkinitan";
Kung mahirap ka lang, you are plainly called "payatot" o "patpatin" o "ting-ting"o kartada dos

Kung nasa high society ka pa rin at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay "petite";
Kung mahirap ka lang, ikaw ay "pandak" o "bansot" o "unano" o "jabbar".

Kung socialite ka, ikaw ay "pleasingly plump";
Kapag mahirap ka at ika'y "mataba", "tabatsoy" o "lumba-lumba",
pagminamalas ka, "baboy", "balyena".

Kung well-off ka, at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay "game";
Kung mahirap ka ikaw ay "pakawala" o "pam-pam".

Kung mayaman at alembong ka ang tawag sa iyo ay "liberated";
Pero kung isa kang dukha ang tawag sa iyo "malandi", "makati", "haliparot".

Kung maypera ka ang tawag sa iyo "single parent";
Pero kung wala kang trabaho ang tawag sa iyo "disgrasyada", "nagpakalabit".

Health conscious ang tawag sa mayayamang puro gulay ang kinakain "vegetarian"
Habang kakaawa ang mahirap na " kumakain ng damo."

Sa exclusive school, "assertive" ang mga batang sumasagot sa mga guro.
Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot sa mga guro,
ang tawag sa kanila ay "walang hiya", walang modo", "bastos", walang galang".

Ang mayamang tumatanda, "are graduating gracefully into senior citizenhood";
Ang mga mahihirap ay "gumugurang".

Ang anak ng mayaman ay "slow learner"
Ang anak ng mahirap ay "bobo", "gunggong", "utak lamok".

Kung mayaman ka at marami kang kinain, you flatter your host who says, "magana kang kumain and I like you, you do justice to my cooking",
Kung ghastly peasant ka and eating the same amount of food in the same house, your host will say to himself na ikaw ay "patay-gutom" o "hampaslupa" o "masiba".

Kung boss ka at binabasa mo ito sa computer mo, "okay lang"
Pero kung ikaw ay isang hamak na empleyado lamang, ikaw ay "nagbubulakbol"

Jokes for all seasons

GF: Magaling! At sino tong Baby na nagtext sa iyo?
BF: Ah eh kumpare ko yun! Lalake yun! Baby lang ang palayaw.
GF: Oh eto replyan mo. Hindi daw kayo tuloy at may mens daw ang tarantado!

PEDRO: Niloko ko yung tindera kanina.
JUAN: Paano mo naman niloko yung tindera?
PEDRO: Nagpaload ako eh wala naman akong celfon.

INA: Anak, tawagan mo nga tatay mo sa celfon. Pauwiin mo dito.
[pagkatapos tawagan.]
ANAK: Nay, babae po ang sumagot.
INA: Lintik, sinasabi ko na nga ba, may tinatago yang tatay mo eh! Anong sabi?
ANAK: 'You only have zero pesos in your account...' hindi ko na tinapos nay dahil mukhang matapobre.

Nagbubungkal ng lupa si Erap para magtanim. Akala ng nakakita niloloko lang siya dahil wala naman siyang tinatanim.
BANTAY: Sir, wala naman kayong tinatanim ah.
ERAP: Bobo! Seedless ito!

STUDENT: Ma'am, pagagalitan niyo po ba ako sa bagay na hindi ko naman ginawa?
TEACHER: Natural hindi.
STUDENT: Good, di ko po ginawa ang assignment ko!

Si Erap nakabasag ng vase sa Museum, yung attendant nataranta.
ATTENDANT: Naku sir, more than 500 years old na po yang vase na iyan!
ERAP: Hay salamat. Akala ko ay bago

Sa Math Class...
Teacher: Banong, kung meron akong 1 piraso ng karne at hinati ko ito, ilang piraso na?
Banong: 2 po ma'am!
Teacher: At kung hinati ko pa pareho?
Banong: 4 na piraso po!
Teacher: Hinati ko ulit.
Banong: 8 piraso po.
Teacher: Hinati ko pa.
Banong: 16 po mam.
Teacher: Hinati ko pa?
Banong: 32 piraso na po!
Teacher: Kung hinati ko ulit?
Banong: 64 po! (nakangiti)
Teacher: At hinati ko pa? 2 beses ko pang hinati?
Banong: Ay susmaryosep ma'am! GINILING na po! GINILING!!!

BOY: Wala akong kwentang anak para sa inyo! Lahat ng ginagawa ko puro mali ! Lagi nalang ako mali !!! Di 'nyo na ako mahal!
AMA: Nagkakamali ka anak?
BOY: Shet! Mali na naman ako!!!

(Sa loob ng Mall)
GUY: LOVE, yan ang dati kong girlfriend.
Jowa: Ang pangit pangit naman!
GUY: Wala akong magagawa, yan talaga ang weakness ko ever since...

JUDGE: Ano ba talaga nangyari?
ERAP: ? (di nagsasalita)
JUDGE: Sumagot ka sa tanong.
ERAP: Naman eh!!! Kala ko ba hearing lang to??? Bakit may speaking?

FROG: What does my future hold?
FAIRY: You'll meet someone who wants to know everything about you.
FROG: Great! Will I meet her in a party?
FAIRY: No, in Bbiology class

Inspiring quote of the day:
'Hindi ako tamad. Hindi ko lang alam kung saan ko ibubuhos ang kasipagan ko.'

MRS: Hon, am I pretty or ugly?
MR: Uhm.. both..
MRS: Anong both? Pwedeng pretty and ugly?
MR: Ang ibig ko sabihin, you're pretty ugly.

TEACHER: Okay class our lesson for today is science. What is science?
PEDRO: Ako ma'am! Ako ma'am!
TEACHER: Okay Pedro, what is science?
PEDRO: Science is our lesson for today.

AMO: Inday, paalisin mo nga yung pulubi sa labas ng bahay.
(nilabas ni Inday)
INDAY: Off you go! Under no circumstances this house would relent to such unabashed display of vagrant destitution!
PULUBI: Oh! I'm so ashamed! Such a mansion of social climbing freaks!
(nakakuha na ng katapat si Inday!) NOSEBLEED!!

BOB: Nakakamagkano ka sa 1 araw?
PULUBI: Nag-uumpisa kasi ako ng 8am. Ngayon 9am na. naka 80 na ko.
BOB: Hindi din masama noh? Ano mabibili mo niyan?
PULUBI: Pwede na tong isang espresso macchiato sa starbucks!

DOC: Umubo ka!
PEDRO: Ho! Ho! Ho!
DOC: Ubo pa!
PEDRO: Ho! Ho! Ho!
DOC: Okay.
PEDRO: Ano po ba sakit ko doc?
DOC: May ubo ka.

1. Trulalu.
2. eklavu
3. eklavu.
4. trulalu
5. eklavu
6. trulalu
7. trulalu.
8. eklavu
9. trulalu
10. trulalu
-batang bading nagsasagot ng true or false na quiz.

MEKANIKO: Sir, hindi ko po naayos preno ng kotse niyo.
CUSTOMER: Ha?! Paano na yan?
MEKANIKO: Nilakasan ko na lang po ang inyong busina! Happy trip na lang po!

Divorced father: Anak pag-uwi mo bigay mo sa nanay mo itong cheke at sabihin mo 18 yrs old ka na, huling cheke na makukuha niya for child support tapos tignan mo kung ano ang expression ng face niya.
Anak: Mom, sabi ni dad bigay ko daw sayo itong cheke, last support na niya ito sakin kasi 18 na ako. Pagkatapos tignan ko daw expression ng face mo.
Mom: Sa susunod na pagbisita mo sa kanya paki sabi salamat sa suporta kahit di mo siya tatay! Pagkatapos tignan mo expression ng face niya!

BOY1: Nakakaawa naman lola mo.
BOY2: Bakit?
BOY1: Nakasabay ko kasi magsimba nung isang araw, ubo ng ubo.
Pinagtitinginan nga ng tao.
BOY2: Papansin lang yun!
BOY1: Bakit?
BOY2: Bago kasi ang blouse niya!

A boss confused about his Math asked his secretary:
If I give you P3M less 17%, how much would you take off?
SECRETARY: Everything sir! Dress, bra, panty!

TEACHER: Mga bata, alam niyo ba na ang bawat butil ng palay ay galing sa dugo't pawis ng mga magsasaka?
MGA BATA: Eeewwww!

Magsyota sa motel.
BF: Alam mo love, ikaw ang first girl na dinala ko dito.
GF: Sinungaling. Sabi nila lagi ka dito!
BF: Oo, pero ikaw lang talaga ang girl!

PARI: Halika sa sulok
MADRE: Bakit po?
PARI: Isara mo ang pinto.
MADRE: Wag po!
PARI: Patayin mo ang ilaw!
MADRE: Diyos ko po!
PARI: Kitamo ang rosary ko. Glow in the dark!

TITSER: Ba't ka na-late?
EDWARD: Nawalan ho kasi ng 500 yung lalaki.
TITSER: Tinulungan mo siyang maghanap?
EDWARD: Hindi po, tinapakan ko lang hanggang umalis siya.

Sa kasalan
PARI: Sana ang donation mo ay katumbas ng ganda ng pakakasalan mo.
GROOM: Eto P5, father.
Tinignan ng pari ang bride.
PARI: Eto P4 sukli mo iho.

Sinauli ni Erap ang libro sa library.
ERAP: Sobrang dami ng characters wala namang istorya!
LIBRARIAN: Kayo pala ang kumuha ng telephone directory namin!

JAIME ZOBEL DE AYALA: 1/2 Pinoy, 1/2 Spanish.
HENRY SY: 1/2 Pinoy, 1/2 Chinese.
LITO ATIENZA: 1/2 Hawaiian, 1/2 Polo.
MIKE ARROYO: 1/2 Pinoy, 1/2 pork.
JOHN OSMENA: 1/2 Pinoy, 1/2 Pinay.
PROSPERO PICHAY: 1/2 Unggoy, 1/2 gulay.
GMA: 1/2 ... only.

SA OSPITAL.....
WIFE: Hon, nahirapan ako huminga.
HUSBAND: Kung nahirapan ka ng huminga, itigil mo na.

ANAK: Inay, ano po ba yung 10 commandments?
NANAY: Iyun yung sampung utos ng Diyos.
ANAK: Mas makapangyarihan pa po pala kayo sa Diyos eh!
NANAY: Bakit?
ANAK: Ang dami niyong utos eh!

Kung totoo ang ' Darwin 's theory of evolution' na ang tao ay nagmula sa unggoy, bakit may mga taong mukhang kabayo?

DORAY: Mare, kulang pa kami ng isang miyembro, baka gusto mong sumali sa paluwagan.
PINANG : Hindi pa ako pwede, mare.
DORAY: Bakit mare?
PINAY: Virgin pa kasi ako.

Joke joke joke

Flash light


Usa ka gabii ang niagi, si Pedro gipamaak ug lamok mao nidagan sya ngadto sa iya mama ug niingon.

Pedro: Nay! Nay! Gipaak ko sa mga lamok sa kwarto.

Nanay: Nak, palunga lang na ang suga para di sila kita nimo.

Gipalong dayon ni Pedro ang suga. Ug sa dihang nanulod ang mga aninipot. Nidagan dayon si Pedro balik sa iya nanay nga naghilak.

Pedro: Nay! Nay! Nagda na silag flash light.


-END-